Para Sa Mga Crush Ko
Para sa crush kong naninigarilyo: Ayokong naninigarilyo ka. Masama sa katawan mo ‘yan, pero kung talagang hindi kita mapipigilan at iyan ang ikaliligaya mo, tatakpan ko na lang ang ilong ko sa t’wing hihit-hit ka. Hindi bale, kapag nagkasakit ka, aalagaan pa rin naman kita, eh. Iyon ay kung ako ang pakakasalan mo.
Para sa crush kong lasenggera: Pakiusap naman, oh. Huwag kangbasta iinom na hindi ako ang kasama mo. Gusto ko kapag malungkot ka at tanging alak na lang ang kakampi mo, ako ang extra supporter mo. Huwag kang mag-alala, hindi ako magte-take advantage. Marunong akong magpigil. Hello, ilang taon na akong nagsasariling… Basta, kapag nalasing ka na, ako ang magbubuhat at mag-uuwi sa’yo. Kapag sumuka ka, okay lang kahit sa akin ka pa bumuga. Para kapag hinubad ko ang damit kong sinukahan mo, baka sakaling matauhan ka’t… Alam mo na. Dejoke. Kapag bagsak na bagsak ka na talaga, sasamahan kita — babantayan kita.
Para sa crush kong bobo: Don’t worry, hindi ka-debate ang hanap ko, mukha mo pa lang, solve na ako. Para saan pa’t nag-aral ako ng medyo mahusay kung hindi ko lang din naman ibabahagi sa’yo, ‘di ba?! Gagawin ko ‘yun — tuturuan kita sa mga bagay na hindi mo alam, para kapag nagawa o nalaman mo na ang mga iyon, maaalala mo ako. Oh, ‘di ba? Baka i-crush mo din ako.
Para sa crush kong kaibigan ko: Handa naman akong ma-friendzone, eh, pero huwag mo na ako masyadong i-close para hindi ako nangangatal kapag magkatabi na tayo.
Para sa crush kong suplada: Suplado din ako, eh. Kaya malapit na kitang i-uncrush. Kapag naging crush mo na ako, bebelatan na lang kita. Bleh :p
Ang dami-dami ko pa lang crush kaya hanggang ngayon, single pa rin ako. Sana mapasali sila sa Hunger Games, ta’s ‘yung mananalo, sa kanya na lang ako magfo-focus.
Miyerkules, Marso 13, 2013
Promise..
Promise..
Napakadaling sabihin pero napakahirap tuparin. Karamihan ng mga promise ngayon ay kadalasang napapako. Napakasakit kapag nagpromise sa’yo ang isang tao tapos hindi niya ito matutupad. Mageexpect ka kasi e, tapos sa huli maddisappoint ka lang. Ang promise na napako minsan ay mas masakit pa sugat. Ang sugat gumagaling pa pero ang pagdidisappoint ng isang tao, feelings yan e! Mahirap gumaling, lalo na kapag masyado siyang nagexpect. Minsan mas okey na wag ka nalang mangako kasi napapako lang naman! Kung gagawin mo, edi gawin mo. Kung hindi naman, ayos lang.. atleast hindi ka nangako, atleast hindi walang nagexpect, walang nasaktan.
Pano ko ba sya nagustuhan?
Pano ko ba sya nagustuhan?
May mga tanong sa isip mo na hindi mo kayang sagutin, mga tanong na kailangan mo muna maramdaman para malaman mo kung ano ang sagot. Naranasan mo na bang tanungin yung sarili mo kung bakit sa dinami daming tao sa mundo, bakit sa isang katulad niya nahulog ang loob mo? May mga bagay kasi na hindi nakikita ng mata, pero nararamdaman ng puso. Yung tinutukso tukso ka lang ng mga kaibigan mo sa kaklase mo, tapos naramdaman mong mejo mabait siya tsaka maalaga sayo, tapos hindi mo namalayan habang tumatagal na magkasama kayo at tinutukso, nahulog na yung loob mo sa kanya. Kapag kasi nagmahal ka hindi mo dapat lagi binabase sa pagmumukha niya, kailangan magkaroon ka din ng basehan sa kagandahang loob na meron siya, kasi mas maipagmamalaki mo yung lalaki o babaeng may magandang kalooban kesa gwapo nga o maganda, ubod naman ng yabang.
May mga tanong sa isip mo na hindi mo kayang sagutin, mga tanong na kailangan mo muna maramdaman para malaman mo kung ano ang sagot. Naranasan mo na bang tanungin yung sarili mo kung bakit sa dinami daming tao sa mundo, bakit sa isang katulad niya nahulog ang loob mo? May mga bagay kasi na hindi nakikita ng mata, pero nararamdaman ng puso. Yung tinutukso tukso ka lang ng mga kaibigan mo sa kaklase mo, tapos naramdaman mong mejo mabait siya tsaka maalaga sayo, tapos hindi mo namalayan habang tumatagal na magkasama kayo at tinutukso, nahulog na yung loob mo sa kanya. Kapag kasi nagmahal ka hindi mo dapat lagi binabase sa pagmumukha niya, kailangan magkaroon ka din ng basehan sa kagandahang loob na meron siya, kasi mas maipagmamalaki mo yung lalaki o babaeng may magandang kalooban kesa gwapo nga o maganda, ubod naman ng yabang.
Huwebes, Pebrero 7, 2013
Dalawang pares ng unan, isang kumot at isang simpleng banig, ngunit walang kasing sarap mahiga para sa dalawang taong wagas na nagmamahalan.Magkayakap na nangangarap ng isang simple ngunit maayos na buhay para sa sinisimulang pamilya.Kapwa sabik magkaroon ng mga supling upang lubusang mabuo ang pangarap na buhay.At may ngiti sa labing ipipikit ang mga mata.
Dalawang plato ng kanin,pritong galunggong at kangkong ,mga simpleng pagkain na may sangkap na pag-ibig ang hain ng butihing maybahay para sa kabiyak,ngunit walang kasing sarap para sa kanila ang pagsaluhan ang mga iyun lalu pat batid n nilang nagbunga na ang kanilang pagmamahalan,ang supling na kanilang pinanabikan ay matutupad na..
Walang kasing sarap at ligaya, isang wagas na pagsasama....Bakit sa isang iglap nabgo ang lahat..Magagara na ang kasuotan, masagana, masasarap at mamahaling pagkain na ang nakahain sa hapag kainan, at natutulog na sa malambot na kama.Parehong nagnais ng mas maginhawa at magandang buhay, parehong nakamit at nagtagumpay subalit parehong kapwa nakalimot sa kanilang simula, sa kanilang binuong pangarap na magkahawak kamay hnggang sa huli..Di na namalayang sinira na ng kanilang makamundong pangarap ang kanilang masayang pagsasama, hanggang sa huli tuluyan ng kapwa humiwalay sa isat isa, nakipaglaro sa mundo, sinubukang maghanap ng mga panandaliang ligaya sa piling ng iba .. Nakahain na ang masasarap na pagkain, walang galunggong at kangkong subalit kapwa di makakain sa magkabukod na tirahan.parehong walang gana sapagkat parehong nag-iisa..At sa gabi malaki at malambot na kama ang parehong higaan upang ipahinga ang pagod na katawan ngunit di makatulog, pikit man ang mga mata,gising ang diwang naglalakbay.May makasama man sa kanilng paghiga, may kayakap man sa kanilang pagtulog walang ngiti sa mga labi sapagkat hindi tunay ang nadarama..
Nasaan na ang kahanga - hangang pagsinta, Ang simple ngunit malaparaisong tirahan dahil sa mga pusong tunay na nagmamahalan. Nasan na ang mga pangako at magagandan pangarap para sa pamilya, isang simple ngunit maayos na buhay para sa kanilang mga anak.Mga anak na pinangarap bigyan ng maayos na buhay ngunit sa huli,y isang miserableng buhay ang naibigay sapagkat wasak na pamilya ang kalalakihan. Paglaking kulang sa pagkalinga at pag gabay ng ama at ina at maaring ikapahamak nia pagdating ng panahon.
Kapwa nagbabalik tanaw sa nakaraan sa tuwing mapapag -isa, kapwa nais malaman ang kalagayan ng isat isa, kapwa nais makausap ang isat isa tungkol sa kung anong nangyari sa kanila, kapwa sabik mayakap muli at mahagkan ang mga labi dahil kapwa pa nila mahal ang isat isa..Ngunit kapwa may matigas na puso na ayaw magpakumbaba.
Hindi masama ang mangarap ng magandang buhay para pamilya, ang maiangat mula sa simpleng buhay tungo sa isang payak na pamumuhay. Nunit kung ang mataas n pangarap na ito ang sisira sa pamilya, balewala din ang maraming salapi, magandang bahay at masasarap na pagkain kung wala na ang ang pamilyang pag aalayan mo ng mga ito.At kung mangyari mang malimutang pansamantala ang mga puso, kung wagas ang mga ito dadating din ang panahong kusa nitong hahanapin ang isa at kusang madadama na kailangan nila ang isat isa.Kailangan lamang pag dumating ang panahong iyon isa sa kanila o mas mainam kung pareho silang marunong magpakumbaba.......
Hindi man aminin ng marami, ang pagpapakumbaba ay isa sa pinaka importanteng sangkap ng Pag-ibig..Maari nitong ibangon ang nadapang relasyon..Kung wagas ang pag-ibig at kung para sa katiwasayan at ikaliligaya mo, ng pamilya at ng iyong minamahal magagawa nating magsakripisyo.
Add caption |
Walang kasing sarap at ligaya, isang wagas na pagsasama....Bakit sa isang iglap nabgo ang lahat..Magagara na ang kasuotan, masagana, masasarap at mamahaling pagkain na ang nakahain sa hapag kainan, at natutulog na sa malambot na kama.Parehong nagnais ng mas maginhawa at magandang buhay, parehong nakamit at nagtagumpay subalit parehong kapwa nakalimot sa kanilang simula, sa kanilang binuong pangarap na magkahawak kamay hnggang sa huli..Di na namalayang sinira na ng kanilang makamundong pangarap ang kanilang masayang pagsasama, hanggang sa huli tuluyan ng kapwa humiwalay sa isat isa, nakipaglaro sa mundo, sinubukang maghanap ng mga panandaliang ligaya sa piling ng iba .. Nakahain na ang masasarap na pagkain, walang galunggong at kangkong subalit kapwa di makakain sa magkabukod na tirahan.parehong walang gana sapagkat parehong nag-iisa..At sa gabi malaki at malambot na kama ang parehong higaan upang ipahinga ang pagod na katawan ngunit di makatulog, pikit man ang mga mata,gising ang diwang naglalakbay.May makasama man sa kanilng paghiga, may kayakap man sa kanilang pagtulog walang ngiti sa mga labi sapagkat hindi tunay ang nadarama..
Nasaan na ang kahanga - hangang pagsinta, Ang simple ngunit malaparaisong tirahan dahil sa mga pusong tunay na nagmamahalan. Nasan na ang mga pangako at magagandan pangarap para sa pamilya, isang simple ngunit maayos na buhay para sa kanilang mga anak.Mga anak na pinangarap bigyan ng maayos na buhay ngunit sa huli,y isang miserableng buhay ang naibigay sapagkat wasak na pamilya ang kalalakihan. Paglaking kulang sa pagkalinga at pag gabay ng ama at ina at maaring ikapahamak nia pagdating ng panahon.
Kapwa nagbabalik tanaw sa nakaraan sa tuwing mapapag -isa, kapwa nais malaman ang kalagayan ng isat isa, kapwa nais makausap ang isat isa tungkol sa kung anong nangyari sa kanila, kapwa sabik mayakap muli at mahagkan ang mga labi dahil kapwa pa nila mahal ang isat isa..Ngunit kapwa may matigas na puso na ayaw magpakumbaba.
Hindi masama ang mangarap ng magandang buhay para pamilya, ang maiangat mula sa simpleng buhay tungo sa isang payak na pamumuhay. Nunit kung ang mataas n pangarap na ito ang sisira sa pamilya, balewala din ang maraming salapi, magandang bahay at masasarap na pagkain kung wala na ang ang pamilyang pag aalayan mo ng mga ito.At kung mangyari mang malimutang pansamantala ang mga puso, kung wagas ang mga ito dadating din ang panahong kusa nitong hahanapin ang isa at kusang madadama na kailangan nila ang isat isa.Kailangan lamang pag dumating ang panahong iyon isa sa kanila o mas mainam kung pareho silang marunong magpakumbaba.......
Hindi man aminin ng marami, ang pagpapakumbaba ay isa sa pinaka importanteng sangkap ng Pag-ibig..Maari nitong ibangon ang nadapang relasyon..Kung wagas ang pag-ibig at kung para sa katiwasayan at ikaliligaya mo, ng pamilya at ng iyong minamahal magagawa nating magsakripisyo.
Hindi na maitutuwid ang mali na nagawa na, hindi na maibabalik ang nagdaan, hindi na din maaring simulan ang natapos na, Ngunit maari naman tayong gumawa muli ng mabuti, maari namang baguhin ang pangit sa sarili upang di na mangyari ang pangit na nagdaan.Ang nakalipas ay nakalipas na at di na maibabalik pa, ngunit maari natin itong alalahanin pangit man o maganda upang maging basehan kung dapat o hindi ba dapat ang ating gagawin para sa isang matagumpay na pagsasama at masayang buhay.
Ibat ibang masasarap na pagkain man ang iyong natikman at nakain, mas masarap pa din ang galunggong at kangkong na niluto sa pagmamahal, mas masarap pa ding kumain at mabusog sa pag-ibig....Iba Ibang malalaki at malalambot na kama man ang iyong nahigaan, Wala pa ding kasing sarap at ligayang matulog na may ngiti s labi at maramdan ang pusong masaya sa piling ng iyong minamahal.WALA PA DING MAKAHIHIGIT NA MATULOG NG PAYAPA KAYAKAP ANG NAG-IISANG BANIG NG BUHAY MO.... ; )
Lunes, Pebrero 4, 2013
ni Christian Apolinario
Hindi ko malimutan ang araw na
iyon. Ang araw na halos nagpabago ng takbo ng buhay ko. Pilitin ko mang iwaglit
ng paulit-ulit ang pangyayaring iyon sa aking balintataw heto at bumabalik. “Hay
naku! Eto nga ba ako? Ito nga ba ang dating ako?” Mas pinili ko pang gugulin
ang aking oras sa may itaas ng burol. Dito malalanghap ko ang sariwang hangin. Makapagpapahinga
ako sa lilim ng puno ng mga kawayan na nagsisilbi kong kanlungan sa tuwing ako
ay makakaramdam ng pagkabagabag. At kung saan matatanaw ko ang buong kanayunan.
Subalit kahit anong gawin kong paglilibang waring ako’y naglalakbay sa mundo ng
kailaliman.
“Kumusta?” sambit ng isang
malumanay na tinig.
Gusto kong magpatihulog sa burol
ng marinig ko ang tinig na iyon. Nagitla ako. Nakaramdam ng pamamawis at
panlalamig hindi dahil sa takot kundi
dahil sa maaaring kahinatnan ng aming muling pagtatagpo. “Anong ginagawa nya dito?”
Tanong ko sa aking sarili. “Tatakbo ako, iiwanan ko s’ya. Di kami puwedeng
mag-usap. Mababaliw ako! Mababaliw ako!” Mabilis na ang tibok ng aking puso at
nanlalambot pati ang tuhod ko.
“May problema ba?’ muli niyang
tanong sabay patong ng kanyang kanang kamay sa aking balikat. Dagli akong
umiwas. Ni hindi ko man lamang s’ya nilingon. “Iniiwasan mo ba ako?”
Hindi ako makabuo ng tamang
salita na dapat kong sambitin. Siguro oo. Maari ring hindi. Nalulungkot ako
kapag hindi ko siya nakikita pero kinakabahan ako kapag nandiyan na s’ya. “God,
tulungan nyo po ako. Ano bang dapat kong gawin hindi pa ko handa.”
Bumwelo siya bago muling
nagsalita, “Isang linggo na lang ipapamalagi ko dito sa baryo nyo. Kung ayaw mo
ko kausapin ngayon, naiintindihan ko. Pero sana bago ako umalis, please naman
kahit sana sa huling araw ng pananatili ko dito sa inyo makasama kita.”
Tanaw ko sa gilid ng aking mga
mata na hindi sya gumagalaw sa kinatatayuan niya at nadarama ko rin na nahihirapan
s’ya. “Huwag kang mag-alala hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa atin.
Ibinigay ko ang aking sarili ng buong-buo sayo, kasi…… kasi, mahal kita!” Huli
niyang pasabi bago niya ako tuluyang iniwan.
Nakaramdam ako ng panibugho sa
sinabi niya, para akong nakukonsensya. Subalit sa kabilang dako ng aking
pag-iisip nagawa niya din akong mapangiti.”Mahal daw niya ako. Totoo kaya yun?”
Muli na namang nadagdagan ang palaisipan sa utak ko.
Madaling araw pa lang ay gising na
ako na hindi ko naman nakasanayang gawin lalo na at bakasyon dahil magpapasko.
Naligo ako, tiniyak na nahilod ko ang lahat ng dumi sa aking katawan. Makailang
ulit rin akong nagsabon at nagbanlaw. Nagsuot rin ako ng magarang damit,
nagwisik ng pabango na halos ipaligo ko na sa aking sarili. May katagalan ko
ring sinipat-sipat ang aking itsura sa harap ng salamin. Ako ay magsisimba,
ngayon ang simula ng simbang gabi pero ang totoong dahilan kaya gusto ko itong
gawin ay ang pag-asam ko na Makita ko siya. Sa loob ng simbahan wala akong
ginawa kundi ang luminga-linga, nagbabakasakaling makita ko siya sa isang
sulok. Ngunit natapos na lahat ang
seremonya ng misa bigo akong makita s’ya.
Tatlong araw na ang nakalipas, hindi
ko lubos maisip kung bakit hindi ko man lamang siya maaninaw sa buong nayon namin.
“Baka naman umalis na s’ya, hindi maaari sabi niya isang linggo pa s’ya dito.
May apat na araw pa siyang natitira. Sana nandito pa siya!” Sigaw ng isip ko.
Kinabukasan, inutusan ako ng
aking Nanay na bumili ng gulay na ihahalok sa pananghalian. Dahil sa tingin ko
ay medyo maaga pa naman naisip ko na maglakad-lakad muna sa tabi ng lawa hindi
na ako nagsimba pa, wala namang nangyayari hindi ko pa rin s’ya nakita. Tahimik
ang dalampasigan, maririnig mo lamang ay ang hampas ng alon sa batuhan. Sa di
kalayuan may natanaw akong dalawang taong naglalaro sa may lilihan. Nang mapalapit
ako sa kinaroroonan nila, laking gulat ko ng masipatan kong siya pala iyon. Masayang-masayang
inaabutan ng bulaklak ng water lily ang kasama niya. Kitang-kita ng aking mga
mata ang kanilang kurutan at lambingan. Napatingin s’ya sa akin, napatigil, at
natahimik. Ginantihan ko s’ya ng ngiti at kinawayan sabay hakbang palayo sa
kanilang kinaroroonan. Nang makasiguro ako na hindi na nila ako matatanaw tsaka
ako kumaripas ng takbo patungo sa aming tahanan. Nagkulong ako buong maghapon
sa aking silid at doon ibinuhos ang bigat ng aking kalooban. “Bakit sa ganoong
pagkakataon ko pa siya nakita? Ayaw ko mang aminin, alam kong mahal ko siya….”
Ilang araw akong nagkulong sa
aming bahay, parang preso kasi ayokong lumabas maliban na lang kapag nauutusan
akong bumili sa may kalapit na tindahan. Niyayaya ako ng aking mga kaibigan na
gumala agad ko silang tinatanggihan. Kung anu-anong dahilan ang sinasabi ko na
kesyo masama pakiramdam ko o maraming ginagawa. Ang toto ay ayoko kasing makita
s’ya na may kasamang iba. Pasado als otso ng gabi ng mahiga ako sa aking kama,
naisip ko na bukas ay lilisanin na nya ang lugar namin. Di ko man lamang siya
makikita, nalulungkot ako. Habang ako’y nagmumuni-muni narinig ko ang tawag ng
aking ina, lumabas ako ng silid. Namilog ang aking mga mata ng matamurawan ko
siya sa aming sala kasama si Nanay.
Tumayo ang aking ina, sinenyasan
akong lumapit bago umalis. Naupo ako sa may tapat ng silyang kawayang
kinauupuan niya. Katahimikan…… pareho kaming nagpapakiramdaman, gusto kong
itanong kung anong sadya niya sa akin, ngunit di ko magawa. Naisip ko na baka nais
lang niya na malaman ko na may mahal talaga siyang iba at hindi talaga ako ang
mahal niya. Gusto kong batukan ang aking sarili sa isiping iyon, mas lalo kong
pinapahirapan ang aking sarili.
Humugot siya ng malalim na
buntong-hininga bago nagsalita. “Pinsan ko nga pala ang kasama ko ng makita mo
kami sa may lawa. Susundan sana kita para kausapin kaya lang naisip ko na baka galit
ka sakin.”
Parang gusto kong tumalon ng sabihin
niya iyon pero hindi ako nagpahalata. “Puwede ba tayong mag-usap ng malayo dito
sa inyo?” aya niya sa akin. Tumango lang ako. Wala akong lakas ng loob na
tumanggi dahil inasam-asam ko rin naman na makasama siyang muli kahit sa huling
pagkakataon. Ako ay nagpaalam sa aking Nanay at nangakong babalik bago
maghatinggabi.
Tinungo naming ang burol, malamig
ang bawat dampi ng hangin. Tanaw na tawaw ang aandap-andap na ilaw ng mga
kabahayan. Sa simula ay nangangapa at nag-iipon ako ng sapat na lakas ng loob
para magsalita. “Alam mo,” pasimula ko, ngunit pagkabigkas ko pa lang ng
katagang iyon ay walang kimi kong naramdaman ang dampi ng kanyang halik sa
aking labi. Sa una ay marahan lang, hanggang sa maging marahas at madiin. Nakipagsabayan
ako. Hindi kami tumigil hanggat di kinakapos ang aming hininga. Naging malikot
siya ganoon din ako. Sa isip ko, di na baling muling magkasala, tutal hindi
naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong sitwasyon. Naalala ko
ang una naming pagniniig, ang pangyayaring nagpabago sa pagtingin ko sa aking
sarili. Hindi ko akalain na mangyayari iyon. Minu-minuto akong inuusig ng aking
konsensiya, pakiramdam ko, nagkasala ako sa aking mga magulang, kaibigan, sa
kanya at higit sa lahat sa aking sarili. Subalit sa ngayon ay wala akong lakas
ng loob na pigilin ang aking nadarama. Ang nais ko ay makasama at madama ko
siya, ang init niya na sumasalimbuyo sa init ko. Ang kamunduhan ay lalo pang
sumidhi. Naglakbay kaming dalawa, hanggang sa pareho kaming bumulagta sa
talahiban. Wala kaming pagsisising naramdaman.
“Handa na akong umalis, natupad
ang nais kong makasama kita kahit sa huling araw ko dito. Sana magkita pa tayo,
uulitin ko, wala akong pinagsisisihan ng ibigay ko ang aking sarili sa iyo. Ngayon
lang din ako nakaramdam ng ganitong saya lalo na kapag kasama kita. Kahit maging
mababa ang pagtingin ng iba sa aking pagkatao wala akong pakialaman. Ang mahalaga
ay alam ko na minahal kita kahit sa sandaling panahon. Huwag kang mag-alala
tanging tayo lamang dalawa ang makakaalam sa mga nangyaring ito. Pangako yan.”
Mahaba-habang dayalogo niya, kaakibat ang senseridad sa mga katagang binitiwan.
“Binago mo ako. Hindi ito ang
pagkakakilala ko sa sarili ko, subalit ng makilala kita bigla na lang nagbago
ang lahat-lahat. Siguro, isa lang itong kapusukang wala sa panahon, na maaaring
bumalik ang lahat sa normal kapag nagkahiwalay na tayo at din a magkita pa”
Wika ko sa kanya. Inalis ko ang bracelet sa king kamay at isinuot ko sa kanya bago
kami tuluyang nagpaalam sa isa’t-isa.
Sampung taon ang mabilis na
lumipas, ngayon ay may sarili na akong pamilya. May asawa na at dalawang anak.
Nakatira kami ngayon sa Maynila. Nagtatrabaho ako bilang isang call center
agent at may sapat na kita. Walang sinumang nakatuklas ng aking nakaraan kahit
na ang aking pamilya. Isinantabi ko ang pangyayaring iyon sa aking buhay. Sapagkat
nang maghiwalay ang landas namin unti-unting bumalik sa normal ang lahat.
Lunchbreak, napagdesisyunan ko na
sa pinakamalapit na fastfood chain na lang ako manananghalian. Habang umoorder
ako ng aking pagkain may lumapit sa akin, iniabot sa akin ang isang maliit na papel,
“Here is my calling card Carlo, call me whenever you need my company. Sana
naalala mo pa ko. Kasi hindi kita nakalimutan. Aantayin kita” sabi nito bago
lumabas ng kainan. Hindi ako puwedeng magkamali bracelet ko ang nakasuot sa may
kamay niya. Dahan-dahan kong inangat ang
tarhetang ibinigay niya sa akin at binasa,”Paulo Montreal, 183 Blk. 8, Meralco
Village, Taytay, Rizal.” May kung anong kaba akong nadama. Hindi. Hindi Puwede.
Ayokong magkaroon muli ng kaugnayan sa kanya. Mali ito. Ayokong mabahirang muli
ang pagkalalaki ko.
Huwebes, Enero 31, 2013
About the Blogger
ABOUT THE
BLOGGER
On November 19, 1983, Maria Filomena Baldaria Oneza got
married to Elmer Binaluyo Apolinario through church rites at San Francisco de
Asis Parish Church in Brgy. Rayap, Binangonan, Rizal. They begot 7 children
namely; Christian (that’s me), Chi-Chester, Catherine, Elmer Jr., Chuck Collin’s,
Chambers and Chyrus.
My family is living in ISLA NG TALIM a small island located
somewhere at the middle of Laguna De Bay. The main source of income in the
island is of course fishing. As the day started, my parents also begin with
their daily routine. My Nanay is a fish dealer; she goes back and forth to
Calamba, Laguna everyday to sell fish at the Market. My Tatay helps my Nanay
collating the catch from fishermen. He is also a fish pen caretaker.
Accordingly, I was born normal and healthy through spontaneous
delivery. However, after my first birthday, I suffered severe high fever. They rushed
me to the Hospital but it’s too late, I was diagnosed of Poliomyelitis, weakening
the muscles, affecting the bones of my feet and arms. And soon I was not been
able to walk. I can only move my eyes and it’s hard for me to say a word. I am
bed ridden for several months.
My parents brought me to several faith healers, hoping that I
will recover the unexpected event. By the power of Prayer, Massage and Touch
Therapy it helps me regain at least a little bit of physical activity. I had moved
my arms, my head and was able to sit. Sadly, it did not bring back my walking ability;
however, these are enough reason to thank GOD.
Growing up, is really hard for me. I am wandering and asking
why I was putted in this kind of situation. I wanted to play, run as the normal
child does but I can’t. I diverted my attention to board games though I wanted
to try different things especially when I get bored. Realizing that I am different from other
people make me cry.
My parents send me to school. For the first time, I saw
children of my age. I am quite shy that time, gaining friends is not easy for
me. My classmates were very curious about me. Seems, this is their only
encounter with a child like me. A lots of question, why, why and why that
happened to you, asking repeatedly. And several times I found myself tired
answering the question.
Years come, hence the time for facing reality, to conquer my
fear and set aside the doubt and the self pettiness I feel inside. The moment
to overcome the shyness, learn how to deal with people and accept criticisms
positively. I develop my skills and talent in singing. I also play guitar, had
tried playing keyboard. I incredibly find myself hook to music. It gives me
peace of mind. I do write poems and stories of love, adventure, and friendship.
I even try to write a story of tragedy.
I set up my goals to finish my studies. Focus my attention
in extracurricular activities. I gain the courage to express my ideas, desires,
dreams and plans for my life. After college, I was able to land a job at
Municipal Social Welfare and Development Office in Binangonan, Rizal as an
administrative aide, Teleperformance Philippines-EDSA as a call center agent
and now a Social Welfare Officer at TAHANANG WALANG HAGDANAN.
Throughout the years, I learned to appreciate the life that
GOD given to me. With the help of my family especially Nanay and Tatay,
cousins, peers, relatives and friends I coped up and fought to survive. I want
to thank these people who accept me as I am. Despite of having physical disability,
I feel normal like anyone else because they treat me in the way I deserve.
As my dreams are getting closer I will not have any
hesitation to say THANK YOU GUYS for being part of me. A LOT OF YOU GUYS
contributed on my well being. I will be proud to SHARE THE BLESSINGS that will
come a long my path TO ALL OF YOU. I will also never forget ISLA NG TALIM, the
place where I was born, the place where I mold myself, the island which comfort
my sadness and all of my unhappy moments. And the island witness all of my
failures and success, my up’s and down’s. ISLA NG TALIM is my shelter and I will
treasure the habitat for lifetime.
CHRISTIAN ONEZA
APOLINARIO
Sitio Banaba, Brgy. Rayap (ISLA NG TALIM)
Binangonan, Rizal
This blogspot was created for those TALIMEÑOS, please
feel free to share anything exciting, different, about ISLA NG TALIM:TALIMA SA
LAWA. Please help me expand the page. Tell your life, thoughts, and ideas. Be proud
that we are TUBONG TALIM.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)